Naaresto na nitong Martes sa Bulacan ang isang lalaking wanted ng limang taon sa kasong frustrated murder sa Alcantara, Romblon.
Kinilala ni Romblon Police Spokeperson PSInp Ledilyn Ambonan ang suspek na si Tomas Galasao Magada, 30-anyos.
Ayon kay Ambonan, naaresto ng pinagsamang pwersa ng Alcantara Municipal Police Station at San Jose Del Monte City Police Station si Magada sa Sitio Julo, Barangay Sapang Palay, Proper City ng SJDM sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 82.
Nakakulong na ngayon sa San Jose Del Monte, Bulacan ang suspek at inaasahang ibabiyahe pabalik ng Romblon para iharap sa korte.
Maaring makalaya ang suspek kung magbabayad ng piyansang aabot sa P200,000.