Hindi tumigil sa pagbibigay ng medical assistance ang ginawa ni Romblon Congressman Emmanuel Madrona sa batang ito na humihingi sakanya ng tulong para magpagamot.
Sa Post sa Official FB Page ng Congressman, naglaan ito ng oras noong September 10 para makipagkita sa batang kanyang tinulungan na kinilalang si Jake Ruado, residente ng Hinugusan, San Agustin.
Ayon kay Madrona, lumapit sakanya ang pamilya ng bata para magpatulong para sa surgical metal implant sa kanyang kaliwang kamay.
“‘True enough, Madrona Cares,” bahagi pa ng post ng Congressman kung saan makikita ang litrato nilang dalawa.