Isang binata ang binawian ng buhay matapos makuryente nitong tanghaling tapat ng Lunes, September 03, sa Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.
Kinilala ng Romblon Police Provincial Office, ang nasawi na si Wercris Hagong Ibabao, 23-anyos, residente ng nasabing barangay.
Ayon kay Senior Inspector Ledilyn Ambonan, nasa kanyang kwarto si Ibabao at sasaksak sana ng kanyang charger nang aksidente nitong mahakawan ang live wire ng outlet at nakuryente, nakahingi pa ito ng tulong ngunit nawalan na ito ng malay bago pa man mailigtas ng kanyang Tatay.
Sinubukan pang dalhin sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital si Ibabao ngunit idineklarang dead on arrivalng Doctor na naka-duty.
Nakaburol ngayon ang katawan ni Ibabao sa Barangay Limon Norte.