Isa nanamang wanted ang naaresto ng pinagsamang pwersa ng San Andres Municipal Police Station at Provincial Intelligence Branch – Romblon PPO, nitong Miyerkules, September 19.
Kinilala ni Romblon Police Spokesperson PSInp Ledilyn Ambonan ang suspek na si July Gamana Sta. Iglesia, alyas Bamba, 47-anyos.
Si Bamba ay tubong Abuyog, Leyte at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Mari Sur, San Andres, Romblon.
Ayon pa kay Ambonan, naaresto ng mga tauhan ng pulisya si Bamba sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 14 Quezon City dahil sa kasong murder noong taong 2011.
Hawak na ng San Andres Municipal Police Station ang suspek at dadalhin sa korte para iharap sa kaso. Walang inirekomendang piyansa ang Regional Trial Court Branch 14 Quezon City para sa kaso ni Bamba.