Sampung unit ng Suzuki Multicab (Pick-up Canopy type) ang pormal na itinurn-over ni Congressman Emmanuel Madrona sa sampung barangay sa bayan ng Odiongan nitong nakaraang Sabado, September 22.
Ang nasabing pulang multicab na may mukha nina Congressman Madrona, Vice Governor Otik Riano at Board Member Armando Gutierrez, ay ipinagkaloob sa mga barangay ng Patoo, Ligaya, Poctoy, Batiano, Panique, Rizal, Libertad, Tuburan, Amatong at Progreso Weste.
Ayon sa facebook post ng official page ni Congressman Madrona, ang nasabing multicab ay makakatulong sa araw-araw na gawain ng mga pinagkaloobang barangay.
Laking pasasalamat naman ng mga barangay officials na dumalo sa nasabing turn-over ceremony dahil may sasakyan na silang magagamit lalo na kung sakaling may kalamidad sa kanilang mga barangay na kailangan ng sasakyan.
Ayon sa Facebook Comment ni Mrs. Lourdes Madrona, asawa ng Congressman, ang mga nasabing sasakyan ay galing sa private funds/resources from family, friends & allies. Sinabi rin nito na ‘Wag sanang sumama ang loob ng mga hindi nakatanggap sa ngayon. Inuuna lang pong sukli-an ng pagpapahalaga ang mga nagtitiwala at karapat-dapat unahin’.
Samantala, dumalo rin sa nasabng turn-over ceremony sina dating Congressman Atty. Eleandro Madrona, Vice Gov. Jose Riano, SPM Armando Gutierrez, SPM Sam Romero, SPM Jun Bernardo, SPM Doc Maravilla, dating Odiongan Mayor Engr. Roger Fodra kasama sina Vice Mayor Cocoy Reyes, SB Members.