Pinangunahan nitong Lunes ni Police Chief Supt. Wilben Mayor, Deputy Director for Police Community Relations ng Philippine National Police (PNP), ang launching ng Bisita Eskwela “I am Strong” o OPLAN BES ng PNP sa San Agustin Elementary School sa San Agustin, Romblon.
Namahagi ang mga kapulisan ng school supplies sa mga estudyante ng nasabing paaralan sa pakikipagtulungan ng Team PNP- Pulis Natin Caravan, at nina Ms. Leila Sizon of Jaime Ongpin Foundation at ni Mr. Reginald F Fajilago, Principal II ng San Agustin Elementary School.
Kasamang pumunta ni Chief Supt. Mayor ang tatlong maskot kasama sina ‘PO1 Bato' at ‘Digong' na kinatuwa naman ng mga estudyante.
Naging panauhing pandangal rin si Police Chief Supt. Wilben Mayor sa ginanap na Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa harapan ng Municipal Hall sa San Agustin kung saan naging tagapagsalita ito.
Hinikayat ni Chief Supt. Wilben Mayor ang mga kapulisan sa lalawigan na maging tapat sa serbisyo at pangalagaan ang kapayapaan sa probinsya ng Romblon.
Samantala, kinilala naman ni San Agustin Mayor Denon Madrona si Mayor matapos itong magtalumpati.
Si Mayor ay nagdiwang rin ng kanyang 56th Birthday noong Lunes.
































