Isang naaagnas na bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuan pasado alas-9 ng umaga sa bahagi ng Sitio Cambiao, Barangay Guinbirayan sa bayan ng Santa Fe, Romblon.
Ayon sa report, isang magsasaka na residente ng nasabing lugar ang nakakita sa bangkay habang siya umano ay kumukuha ng kahoy na gagamitin niya sanang panggatong.
Sinabi rin sa mga report na ilang araw ng nakakaamoy ang mga residente sa lugar ng mabahoy amoy ngunit hindi nila ito pinansin sa pag-aakalang isang patay na hayop lamang ang nangangamoy na bangkay.
Hindi umano kilala ang nasabing babae sa lugar at maaring dayo na dinala lamang sa nasabing lugar.
Agad namang nagsumbong sa mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station ang mga residente ng nasabing lugar at agad ring ipinatawag ang Scene of the Crime Operatives para maproseso ang crime scene at magkaroon ng pagkakakilanlan ang babae.
Wala pang nilalabas na detalye ang pulisya sa posibleng dahilan ng pagkamatay ng biktima.