Humingi ng sorry ang mga estudyanteng nasangkot sa kontrobersya nitong Sabado matapos na kumalat ang kanilang litrato na naka dirty finger habang nasa likod ang grotto ni Our Lady of Lourdes sa Grotto de Banloc sa Looc, Romblon.
Sa mga facebook profile ng mga sangkot sinabi nila na nagkamali sila sa kanilang ginawa at hindi nila alam na kakalat ng ganun kabilis sa social media ang kanilang mga litrato.
Nag public apology ang mga sangkot matapos na hilingin ito sa kanilang ng pamunuan ng Grotto de Banloc.
Ayon sa kanila, hindi na umano nila uulitin ang kanilang ginawa at leksyon na umano ito sa kanila.