Sugatan ang isang magsasaka sa Barangay Balatucan sa bayan ng Looc, Romblon matapos pagtatagain ng isang lalaki na nakasalubong nito sa palayan nitong madaling araw ng Linggo, August 26.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Antonio Amar Salivio, 33-anyos, habang ang suspek ay kinilala namang si Felizardo Pequet Ramos, 64-anyos, pawang mga residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa report na nakarating sa opisina ni Senior Inspector Ledilyn Ambonan, spokeperson ng Romblon Police Provincial Office, gabi ng Sabado nakikipag-inum ang biktimang si Salivio sa mga kaibigan nito sa isang birthday party, pagdating ng ala-una ng madaling araw, umuwi ito ngunit habang naglalakad sa palayan at bigla itong pinagtataga ng suspek na kanyang nakasalubong.
Agad na tumakas ang suspek matapos na mataga ang biktima gamit ang bolo nito habang si Salivio ay isinugod ng mga nasaksi sa krimen sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital para bigyan ng medical attention dahil sa natumang multiple hack wounds sa katawan.
Tinitingnan ng pulisya na posibleng lumang alitan ang dahilan kung bakit pinagtataga ni Ramos si Salivio.
Patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station laban sa tumakas na suspek na si Felizardo Pequet Ramos.
Mahaharap sa kaukulang kaso si Ramos.