Pumanaw na nitong Biyernes si Dating Odiongan Vice Mayor Brecio Dalisay Fajutnao Jr. sa edad na 53 matapos atakihin sa puso habang nasa probinsya ng Marinduque.
Si Fajutnao ay nagsilbi bilang Vice Mayor noong taong 2010-2013 sa Odiongan.
Nagpaabot ng pakikiramay sa pamamagitan ng kanilang mga social media account sina Sangguniang Panlalawigan Member Felix Ylagan at si Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Ayon kay Ylagan, nawalan ng anak ang Odiongan at ng isang mabuting leader dahil sa pagkamatay ng dating alkalde.
Sinabi naman ng alkalde ng bayan ng Odiongan na si Fajutnao ay isang ‘principled, hardworking public servant’.
Nakiramay rin ang ilang netizens: