Inihatid na sa huling hantungan nitong Linggo, August 19, si dating Odiongan Vice Mayor Brecio Dalisay Fajutnao.
Galing sa Municipal Hall ng Odiongan dinaan ng Philippine Independent Church ang labi ni Fajutnao bago ihatid sa Anahao Public Cemetery sa Barangay Anahao, Odiongan, Romblon. Daan-daan namang mga taga suporta, kaibigan at mga kamag-anak ni Fajutnao ang nakilibing nitong Linggo.
Si dating Odiongan Vice Mayor Brecio Dalisay Fajutnao ay inatake sa puso at namatay sa edad na 53 nitong August 10 habang ito’y nasa probinsya ng Marinduque.