Tiklo sa isang buy-bust operation ang isang first year college student nitong Huwebes ng hating gabi sa bayan ng Odiongan sa Romblon.
Ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency-4B matapos makatanggap ng impormasyon na nagbebenta ng marijuana ang suspek na kinilalang si Robent Mayor Geronimo, 19-gulang, at residente ng Barangay 3, Romblon, Romblon at nananatili sa Odiongan para mag-aral.
Nakuha sa posesyon ng suspek ang isang bultong marijuana, at P500 na buy-bust money.
Ayon kay Geronimo nang makausap ng Romblon News Network, ginagawa niya ito dahil kulang umano ang kanyang allowance.
Nakakulong na ngayon sa Odiongan Municipal Police Station ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.