Dalawa lalaki sa Alcantara, Romblon ang pinagmulta ng mga tauhan ng Alcantara Municipal Police Station matapos maaktuhang nag yoyosi sa pampublikong lugar sa bayan na mahigpit na pinagbabawal sa bisa ng kanilang Municipal Ordinance No. 3 Series of 2011.
Ayon sa pulisya, bandang alas-8 ng umaga nitong Huwebes habang nagsasagawang beat patrol ang mga tauhan ng Alcantara Municipal Police Station sa pangunguna nina SPO4 Jose Sungcang at Police Senior Inspector Lyndon Carl Zamora, nang maaktuhan ang dalawang lalaki na nag yoyosi.
Agad silang binigyan ng citation ticket at dinala sa Municipal Treasurers Office para sa pagbabayad ng P200 bilang pina sa paglabag sa batas.
Matatandaang ang bayan ng Alcantara ay tinaguriang Hall of Famer sa Red Orchid Award ng Department of Health dahil sa kampanya ng Local Government Unit na masiguro na smoke-free ang kanilang bayan.
































