Naaresto ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch ng Romblon Police Provincial Office na pinangungunahan ni SPO3 Allan Fruelda sa pakikipagtulungan ng Sta. Fe Municipal Police Station at Tiaong Municipal Police Station ang number 6 most wanted person ng lalawigan ng Romblon.
Kinilala ni Police Senior Inspector Ledilyn Ambonan, spokeperson ng Romblon Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si Mark Potoy Aniceto, 25-anyos, residente ng Barangay Agmanic, Sta. Fe, Romblon.
Naaresto si Aniceto sa Barangay Quipot, Tiaong, Quezon nitong hapon ng Lunes, July 30 sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 81 noong July 18, 2016 dahil sa kasong murder.
Nakakulong na sa Tiaong Municipal Police Station ang suspek at inaasahang dadalhin pabalik ng Romblon sa mga susunod na araw para iharap sa korte.