Tatlo katao ang naaktuhan ng mga tauhan ng mga tauhan ng Magdiwang Municipal Police Station sa pangunguna ni PSInsp. Elvis Galicia, na iligal na nagmimina sa Sitio Dulangan Maliit, Barangay Ipil, Magdiwang, Romblon nitong hapon ng Lunes, July 24.
Nakatakas naman agad ang tatlong suspek ngunit ang isa sa mga ito ay kinilala ng Magdiwang Municipal Police Station na si Agustin Roa Fajarito.
Dinala na sa Magdiwang Municipal Police Station ang mga nakuhang mining equipment sa lugar.
Patuloy naman ang manhunt operation laban kay Fajarito at para na rin makilala ang dalawa pang nakatakas na suspek.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Philippine Mining Act of 1995 na isasampa laban sa tatlong suspek.