Nais solusyunan ng Sangguniang Bayan ng Odiongan ang pagkakaunti di umano ng bilang ng mga kalabaw na ginagamit sa pagsasaka sa lugar na kanilang nasasakupan.
Sa priviledge speech ni Sangguniang Bayan member Rollie Lachica ngayong umaga sa kanilang 26th regular session, sinabi nito na dapat di umano magkaroon ng solusyun ang pagliit ng bilang ng mga alagang kalabaw sa Odiongan.
Itinuturong dahilan ni SB Member Lachica ang pag-export sa mga karne ng kalabaw patungo sa ibang probinsya.
Sa payo naman ni Vice Mayor Mark Anthony Reyes, sinabi nito na maganda umanong gawan ng paraan ng Sangguniang Bayan kung paano matutulungan ang mga magsasaka para hindi maging solusyon sa financial problem ang pagbebenta ng kanilang kalabaw.
Mas malinaw di umanong mas maganda ang trabaho pagdating sa pagsasaka ng mga magsasakang kalabaw ang ginagamit kesa sa mga di makinang gamit.
Balak rin ng Sangguniang Bayan ng Odiongan na hikayatin ang Sangguniang Panlalawigan ng Romblon na pagbawalan ang pag-export ng mga karne ng kalabaw patungo sa ibang probinsya.