Binuksan na sa publiko ng Local Government ng Odiongan, Romblon ang kanilang complaints, at suggestions hotline sa pamamagitan ng kanilang programang “Itext Kay Mayor”.
Sa tarpaulin na ikinalat sa Odiongan, tatanggapin ng mga sumusunod na mobile number ang mga reklamo, komento, at mungkahi na ikakaunlad ng nasabing bayan.
Para sa mga gustong mag text, maaring ipadala ito sa mga numerong +639195553535 (Smart) at +639272700700 (Globe).
































