Pinaghahanap hanggang sa ngayon ng kanyang pamilya ang isang mangingisda sa Santa Fe, Romblon matapos itong hindi bumalik simula ng ito’y pumalaot para mangisda nitong Sabado.
Kinilala ng Santa Fe Municipal Police Station ang mangingisda na si Emelliano Eugenio Manrique, 39-anyos, at residente ng Barangay Guinbirayan sa nasabing bayan.
Ayon sa mga kaanak nito, huling nakitang suot nito ang skyblue shirt, green jersey short, at may sumbrero na kulay brown na may nakasulat na DJ.
Sinabi rin ng pamilya ni Manrique sa pulisya na nakakaranas ito paminsan-minsan ng mental illness.
Nagsasagawa na rin ang Santa Fe Municipal Police Station ng search operation para kay Manrique at ipinaabot na sa karatig na mga Municipal Police Station ang nasabing insidente.
Para sa mga may makakita kay Manrique, maari nilang kontakin ang Romblon News Network para maikonekta namin ito sa Santa Fe Municipal Police Station.