Arestado nitong gabi ng Sabado sa isang anti-illegal drug buy bust operation ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station, Romblon Provincial Intelligence Branch, at Philippine Drug Enforcement Agency, ang isang lalaking sangkot umano sa bentahan ng marijuana sa lugar.
Kinilala ang suspek na si Ronclyde Paraguison, 28, residente ng Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon.
Ayon kay Police Senior Inspector Kenneth Gutierrez, positibong nabilhan si Paraguison ng isang sachet ng marijuana ng kanilang asset sa halagang P300 kaya agad nila itong inaresto.
Itinanggi naman ni Paraguison na sa kanya ang nakuhang marijuana, aniya wala umano siyang alam dito. Nahuli na rin umano siya noong 2016 dahil parin sa marijuana ngunit nagbago na umano siya.
Nakakulong na ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station at nahaharap sa kaukulang kaso.