Dahil sa walang tigil na ulan dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Gardo, binaha nitong umaga ng Lunes ang ilang pathway sa Odiongan National High School sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Basa rin tuloy ang mga sapatos ng mga estudyanteng pumasok nitong umaga ng Lunes bago kanselahin ang klase kinahapunan.
ADVERTISEMENT
Ayon sa pamunuan ng ONHS, malakas umano ang ulan kaya hindi kinaya ng mga kanal ng kanilang paaralan ang dami ng tubig.
Humupa rin agad ang tubig malakipas ang halos dalawang oras.