Nagpaulan sa lalawigan ng Romblon nitong araw ng Lunes, July 09, ang Southwest Monsoon (Habagat) na mas pinalakas ng bagyong Gardo na pumasok ng Philippine Area of Responsibility kaninang umaga.
Sa Odiongan, Romblon, umapaw ang mga kanal na nagresulta ng hanggang gutter deep na baha sa ilang kalsada sa Barangay Liwayway dahil parin ito sa walang tigil na ulan.
Ilang estudyante tuloy ang pahirapan sa pagtawid sa mga kalsada dahil sa umapaw na kanal at sa malakas na ulan. Ilang motorista naman ang naperwisyo ng ulan dahil nabasa ang mga ito kahit nakakapote na.
Dahil parin sa pag-uulan, kinansela ang klase mula Elementary hanggang Highschool sa mga bayan ng Odiongan, Looc, Ferrol, at Alcantara nitong hapon ng Lunes para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyanteng uuwi pa sa kani-kanilang mga tahanan.