Nagtamo ng sugat sa palad at sa siko ang isang habal-habal driver sa bayan ng Looc, Romblon matapos itong tagain ng isa pang habal-habal driver na kanyang nakaalitan.
Kinilala ang biktima na si Hernan Cresencio Flores, 43; habang ang suspect naman ay si Nandy Galicia Bernardo, 41, pawang mga residente ng Barangay Limon Sur.
Batay sa imbestigasyon ng Looc Municipal Police Station, nasa labas ng isang parlor sa Poblcion ang suspect at nag-aatay sa kanyang inang na nagpapaayos ng buhok nang mga oras ng yun ng biglang dumating ang biktima at nakipagtalo sa suspek sa hindi pa tukoy na dahilan.
Bigla naman umanong bumunot ng bolo ang si Bernardo at tinaga sa siko at sa palad si Flores.
Agad na isinugod sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital ang biktima para bigyang lunas ang natamong sugat.
Samantala, naaresto ng mga rumespondeng kapulisan ang suspek na tumago sa loob ng parlor. Nakakulong na siya ngayon at nahaharap sa kaukulang kaso.