Tinamaan ng brownout ang ilang bahagi ng Alcantara ngayong gabi dahil sa natumbang poste ng kuryente sa Barangay Madalag.
Ayon sa mga residente sa lugar, bandang alas-9:30 ngayong gabi ng bigla silang nakarinig ng malakas na tunog sabay ng brownout at paglabas nila ng bahay ay nakita nila ang poste ng kuryente na humarang sa daan.
Maswerte namang walang nabagsakang motorista sa lugar.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. (TIELCO) sa lugar para ayusin ang kuryente.
Mag-aalas 11 na ng gabi naibalik sa normal ang supply ng kuryente sa mga naapektuhang lugar.