Natupok ng apoy ang ikalawang palapag ng Administration Building ng Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon bandang ala-una y medya ng hapon nitong Sabado.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, posibleng nagsimula ang apoy sa kesame ng 2nd floor at maaring linya sa kuryente ang pinagmulan ng sunog.
Naging pahirapan pa ang pag apula sa apoy dahil maraming mga papel ang nasunog sa gusali kaya kinailangan pang tumawag ng bombero mula sa kalapit na bayan at sa ilang pribadong fire truck.
Ayon sa taya ng Odiongan Municipal Police Station, aabot sa mahigit P1million ang halaga ng natupok na aririan.
Matatagpuan sa nasunog na building ang registrar office, casher office, at ang opisina ng Presidente ng Romblon State University.
Pasado alas-3 na ng hapon ng ma-kontrol ng mga otoridad ang pagkalat ng apoy.
Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing sunog.