Arestado isang lalaki sa Dasmariñas City dahil sa isang warrant of arrest sa kasong frustrated murder sa bayan ng Alcantara, Romblon.
Ang suspek ay kinilala ng Romblon Police Provincial Office na si Ludiver Lachica Inocencio, 29-taong gulang, residente ng Barangay Sampaloc 2, Dasmariñas, Cavite.
Ayon kay Police Senior Inspector Ledilyn Ambonan, spokeperson ng Romblon Police Provincial Office, inaresto si Inocencio nitong tanghali ng May 30 sa bisa n isang warrant of arrest na nilaas ng Regional Trial Court Branch 82 noong August 2011.
Ang pagkakahuli umano kay Inocencio na nasa ika-3 most wanted ng bayan ng Alcantara ay dahil sa effort ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch, Alcantara Municipal Police Station, CIDT-Romblon, at Dasmariñas City Police Office.
Hindi nabanggit ng pulisya ang background ng kaso ni Inocencio.
Nakakulong na ngayon sa Dasmariñas City Police Office ang suspek at nakatakdang ibiyahe pabalik ng Romlon para iharap sa korte.