Tiklo ang tatlo katao sa Barangay Mayha, Odiongan, Romblon matapos maaktuhan diumano ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station na naglalaro ng ‘tong-its’ nitong hapon ng Sabado, June 16.
Kinilala ang mga suspek na sina Nonilon Fornal, 54; Eldy Famisan Ferrancullo, 54; at Rene Galang Manliguez, 47.
Ayon kay Police Senior Inspector Kenneth Gutierrez, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerened citizen na may naglalaro ng ‘tong-its’ sa nasabing lugar kaya agad silang nagpadala ng operatiba para tingnan ang report.
Nakuha sa mga suspek ang dalawang deck ng playing cards, at pera na ginagamit umanong bet money.
Nakakulong na ang mga suspek sa Odiongan Municipal Police Station at maaring maharap sa paglabag sa Presidential Decree No. 1602, s. 1978.