Malaking pakinabang para sa mga estudyante na nag-aaral sa Progreso Weste Elementay School sa Barangay Progreso Weste ang bagong tayong footbridge ng pamahalaan ng bayan ng Odiongan.
Hindi na kasi kinakailangan pang dumaan ng mga estudyante sa ilog para lang makapasok sa kanilang mga klase. Masisiguro rin ng mga magulang ng mga estudyante ang kanilang kaligtasan lalo tuwing tag-ulan dahil hindi na nila kinakailangang tawirin ang ilog.
Ang nasabing Progreso Weste Footbridge ay pinasinayaan ngayong araw sa pangunguna ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic kasama ang ilang Sangguniang Bayan members, barangay officials, DILG, at ilang kabataan ng nasabing baangay.
Pinundahan ng LGU Odiongan ang nasabing footbridge galing sa Bottom-up Budgetting Program at sa 20% Annual Development Program ng opisina.
Maliban sa mga estudyante ng Progreso Weste Elementay School, malaking bagay rin ang footbridge sa mga residente sa lugar dahil ikokonekta nito ang Sitio Centro at Sitio Proper ng nasabing Barangay.




































