Patay ang isang lalaking nag-aayos ng linya ng kuryente matapos makuryente habang ginagawa ang kanyang trabaho sa Barangay Mabini, San Andres, Romblon nitong alas-3 ng hapon ng Huwebes.
Kinilala ang nasawi na si Pedro Juliano, 40 anyos, residente ng Barangay Tan-Agan.
Ayon sa police report, ginagawa ni Juliano ang naputol na kuryente nina Lilibeth Menes ng bigla umano itong tumalsik dahil sa malakas na ground voltage ng kuryente.
Sinubukan pang isugod si Juliano sa ospital ng mga nakakita rito ngunit dineklara itong dead on arrival ng doctor.