Isinailalim sa oryentasyon mga estudyante sa lalawigan ng Romblon na pumasa sa Department of Science and Technology-Science Education Institute (DOST-SEI) undergraduate scholarship kamakailan.
Ang undergraduate scholarship ng DOST sa ilalim ng Republic Act No. 7687 ay naglalayong makatulong sa pag-aaral ng mga magagaling na estudyanteng papasok ng kolehiyo at kukuha ng kursong may kinalaman sa agham at teknolohiya sa mga unibersidad na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED).
Kasunod nito, nanumpa rin ang mga ito at pumirma sa kontrata bilang katibayan ng pagiging benepisyaryo ng programa.
Tatanggap ng mga pribilehiyo ang mga iskolar, katulad ng libreng matrikula, iba pang bayarin sa kolehiyo na nagkakahalaga ng PhP40,000 sa bawat school year; Php10,000 kada taon para sa libro; suweldo na PhP7,000.
May nakalaan ding alawans pang transportasyon para sa mga estudyante na naninirahan sa labas ng lalawigan. (DMM/PIA-MIMAROPA/Romblon)