Isang magnitude 4.3 na lindol ang yumanig sa bahagi ng lalawigan ng Romblon kaninang 5:28 ng umaga.
Naramdaman ang pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng probinsya ganun na rin sa kalapit probinsya ng Aklan.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol sa layong 005 km N 58° W ng Santa Fe, Romblon.
May lalim ang sentro ng lindol na 1km at tectonic ang sanhi ng nasabing pag galaw ng lupa.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang maaring aftershocks ang nasabing lindol.
Wala namang napaulat na nasirang ari-arian dahil sa pagyanig.