Pinangunahan nitong Biyernes ni Congressman Emmanuel Madrona at ni dating Congressman Eleandro Jesus Madrona ang pagpapasinaya sa bagong tayong school building ng Progreso Este Elementary School.
Ang nasabing proyekto ay hatid sa mga estudyante ng Progreso Este Elementary School ng opisinang PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation).
Ayon kay School Supt. Roger Capa, nagbigay ng P250,000 si dating Congressman Madrona para sa pagpapatayo ng stage ng nasabing paaralan.
Nagbigay rin ito ng 15 wall fans na magagamit para indi mababad sa mainit na panahon ang mga estudyante sa lugar.
Samantala, pinasinayaan rin ngayong araw ang bagong tayong paaralan ng Mat-i National High School sa Barangay Mat-i sa bayan ng Santa Fe, Romblon.
Pinasalamatan naman ni Capa ang mga tumulong para maitayo ang mga silid aralan para sa dalawang paaralan sa Odiongan at Santa Fe.