Tiklo sa kamay ng mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office at Malabon City Police Station ang isang matandang lalaki na wanted sa bayan ng San Andres, Romblon dahil sa kasong robbery.
Kinilala ni Police Senior Inspector Ledilyn Ambonan, spokeperson ng Romblon Police Provincial Office, ang suspek na si Randy Sim Florencio, 58-anyos, residente ng Barangay Tanong, Malabon City.
Si Florencio ay may warrant of arrest galing sa Regional Trial Court Branch 82 noon pang 2006 dahil sa kasong robbery.
Nakakulong na si Florencio at nakatakdang ibiyahe pabalik ng Romblon.
Si Florencio ay maaring makalaya pansamantala kung magbabayad ng piyansa na P15,000.