Isang lalaki sa Barangay Punta, Looc, Romblon ang natagpuang patay at nakabigti na sa loob ng kanyang kwarto pasado alas-11 ng umaga nitong Lunes, June 04.
Kinilala ang lalaki na si Jiven Pastor, 47-taong gulang.
Ayon sa ama ng lalaki, bandang alas-7 ng umaga ng huli nilang makita si Jiven habang nag-aalmusal. Bigla umano itong pumasok sa loob ng kanyang kwarto at hindi na lumabas hanggang sa natagpuang nakabigti.
Sinubukan pang dalhin sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital para subukang i-revive ngunit bigo ang mga doctor at idineklarang dead on arrival si Pastor.
Wala namang nakikitang foul play ang pulisya sa pagpapakamatay ng lalaki.
Hindi pa malinaw ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.