Arestado sa Dasmariñas City, Cavite ang isang lalaking wanted sa kasong frustrated murder sa bayan ng Looc, Romblon simula pa noong nakaraang taon.
Kinilala ang suspek na si Marlon Marcelo Quinto, 38, residente ng Barangay Poblacion, Looc, Romblon.
Ayon kay Police Senior Inspector Ledilyn Ambonan, spokeperson ng Romblon Police Provincial Office, nadakip ang suspek sa Barangay Pala-Pala, Dasmariñas, Cavite nitong gabi ng Linggo sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ni Jose M. Madrid ng Fourth Judicial Region Branch 82.
Nakakulong na ang suspek sa Dasmariñas City Police Office at inaasahang dadalhin pabalik ng Looc, Romblon sa susunod na mga araw para iharap sa korte.
Maaring makalaya pansamantala si Quinto kung magbabayad ng Php 200,000.00 na piyansa.