Sugatan ang isang rider sa bayan ng Alcantara, Romblon matapos na sumimplang ang minamaneho nitong motorsiklo matapos na masalpok ang isang tumatawid na aso, pasado alas-3 ngayong hapon.
Kinilala ang rider na si Mon Alver Mortel, residente ng kasunod na bayan.
Ayon sa mga residente ng Sitio Taboc sa Barangay Poblacion kung saan nangyari ang aksidente, may kabilisan ang patakbo ng rider na si Mortel nang may biglang tumawid na aso.
Nagtamo ng sugat sa ulo si Mortel at agad namang isinugod sa Rural Health Clinic ng bayan ng Alcantara.
Wala rin umanong helmet ang rider nang mangyari ang aksidente.