Sumailalim sa isang araw na training/seminar ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Romblon Chapter ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station (OMPS) nitong nakalipas na Linggo patungkol sa Court Processes and Procedures, Warrantless Arrest and Inquest Proceedings, Miranda Doctrine, RA 7438 Rights of the Accused and Custodial Investigation at Revised Rules on Criminal Procedure.
Naging tagapagsalita sa nasabing seminar ang mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Romblon Chapter na sina Honorable Judge Cirile M Foja, 5th MCTC Branch 005; Atty. Genesis R Gironella, Public Attorney’s Office kasama sina Atty. Rolly Roldan at Atty. Luis Jay Formilleza III.
Ang nasabing seminar ay programa ng Odiongan MPS Municipal Advisory Council (MAC) sa pangunguna ni Odiongan Mayor Trina Alejandra Firmalo-Fabic.
Ayon sa hepe ng Odiongan Municipal Police Station na si Police Senior Inspector Kenneth Ding Gutierrez, ang nasabing seminar ay malaking tulong para sa mga tauhan ng OMPS para mas maging confident sila sa kanilang mga trabaho.
Inaasahan ring makakatulong ang nasabing seminar para mas lalong lumakas at hindi ma-technical ang mga kasong isinasampa ng Odiongan Municipal Police Station sa piskalya laban sa mga gumagawa ng krimen sa bayan ng Odiongan.