Naaresto sa isang operasyon sa San Andres, Romblon ng mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office, San Andres Municipal Police Station at Mansalay Municipal Police Station ang lalaking wanted sa kasong attempted rape sa bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro.
Kinilala ang suspek na si Peter Villanueva Fadri, 33-taong gulang, residente ng Barangay Villa Celestial, Mansalay, Oriental Mindoro.
Ayon sa pulisya, number 07 sa listahan ng Most Wanted Person si Fadri sa bayan ng Mansalay.
Naaresto si Fadri nitong umaga ng Huwebes, May 10, sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 43, Roxas, noong January 2018.
Nakakulong na ang suspek at inaasahang dadalhin pabalik ng Mindoro para iharap sa korte.
Maaring makalaya ang suspek kung magbabayad ng P120,000 na piyansa.