Hindi alintana sa 80-taong gulang na si Rallyston Fainsan Balog ang pagiging lumpo para makaboto ngayong Eleksyon.
Tanghali ngayong araw ng pinagtulungang buhatin si Balog ng dalawang lalaki para makaboto ng kanyang gustong Kapitan at Kagawad ng kanilang Barangay sa Barangay Agpudlos, San Andres, Romblon.
ADVERTISEMENT
Bakas naman sa mukha ni Balog ang saya dahil mabilis naman umano siyang nakaboto.
Hindi makalakad si Balog matapos ma stroke sa sobra nitong katandaan.