Ilang mga residente ng Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon ang hindi nakaboto ngayong araw matapos na hindi nila makita ang kanilang mga pangalan sa listahan ng mga pwedeng bomoto sa kanilang lugar.
Isa sa mga naabutan ng Romblon News Network na naghahanap ng kanyang pangalan ay si Edward Fetalvero. Aniya, matagal na siyang bomoboto sa nasabing Barangay ngunit hindi niya umano ngayong makita ang kanyang pangalan.
Nagpatulong si Fetalvero sa ilan para hanapin ang kanyang pangalan ngunit bigo parin sila.
Ayon kay Fetalvero, hindi umano siya nakapag-biometrics noong nakaraan kaya ito umano ang maaring dahilan kung bakit wala siya at iba pa nilang kakilala sa listahan ng mga pwedeng bomoto. Dagdag pa ni Fetalvero, uuwi nalang umano siya dahil hindi rin naman umano siya makakaboto.
Sinabi naman ng Commission on Elections (COMELEC) na matatangal sa listahan ang mga botanteng hindi nakapag-biometrics o di kaya’y hindi actibong voters na hindi nakapagboto ng 2 magkasunod na eleksyon..