Isang buntis na naabutan ng panganganak sa Looc Feeder Port ang tinulungan ng tatlong pulis ng Looc Municipal Police kagabi.
Kinilala ang tatllong pulis na sina PO3 Ernie Bawang, PO1 Jayron Marcelo at si PO1 Lizel L Silverio, isang registered nurse.
Ayon kay PO1 Silverio, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may isang ginang na nanganak sa loob ng Looc Feeder Port bandang 11:40 kagabi.
Agad nilang tinulungan ang ginang at sinigurong ayos ang lagay ng ginang at ng anak niyang lalaki bago sila dalhin sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa pareho ring bayan.
Hindi na umano nakuha ng pulisya ang pangalan ng ginang na kanilang tinulungan ngunit masaya naman umano sila at nakatulong sila kahit papaano sa ginang.