Isang 40-taong gulang na babaeng buntis ang pinagsasaksak sa kamay ng kainuman ng kanyang live-in partner kagabi sa Sitio Maligay, Barangay Balatucan, Looc, Romblon.
Kinilala ang biktima na si Amancia De Jesus Nepumoceno, residente ng nasabing lugar.
Batay sa imbestigasyon ng Looc Municipal Police Station, nakikipaginuman ang suspek na si Jemsie Laomoco, 42-taong gulang, sa live-in partner ni Nepumoceno nang magtalo ang dalawang lalaki, sinubukang pumagitna ni Nepumoceno ngunit bumunot umano ang suspek ng patalim at pinagsasaksak ang babae sa kanyang kamay.
Agad na isinugod sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital si Nepumoceno para gamutin ang sugat.
Samantala, agad namang naaresto ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station ang suspek ngunit ayon sa kanila hindi na umano kakasuhan ng biktima ang suspek kundi ay maguusap nalang umano sila sa Barangay Hall ng Balatucan.