Eksakto alas-7 ngayong umaga ay nagsimula ng bumoto ang mga botante sa Concepcion Norte Elementary School, Santa Maria, Romblon para sa mga gusto nilang ihalal ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Ilang botante ang mas piniling bumuto ng maaga para makaiwas sa pagdagsa ng mga tao habang tumatagal ang araw.
Samantala, hindi naman umano sila nahirap sa paghahanap ng kanilang mga pangalan dahil may listahan naman umanong inilabas ang Commission on Elections (COMELEC) kung saan pwede nilang tingnan.
ADVERTISEMENT