Arestado ang tatlong tindero sa loob ng Baratilyo sa Odiongan, Romblon matapos na maaktuhan ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station na naglalaro ng ipinagbabawal na tong-its sa loob ng Baratilyo nitong Huwebes Santo.
Kinilala ng Odiongan Municipal Police Station ang tatlo na sina Amado Catapangan Aranilla, 41; Danilo Judita Pakingan, 52; at Policarpio Noblezala Salvan Jr., 55-taong gulang, pawang mga residente ng Quezon Province.
Nakatanggap umano ng tip mula sa isang concerned citizen na naglalaro ng tong-its ang tatlo sa loob ng Baratilyo kaya nagsagawa agad ng operasyon ang Odiongan Municipal Police Station para mahuli ang mga suspek.
Ang pagsusugal ng iligal ay ipinagbabawal ng Presidential Decree 1602, amended by Republic Act 9287.
Nakuha sa mga suspek ang isang deck ng playing cards, at mga pera.
Nakasuhan na ang mga suspek at pansamantalang nasa laya matapos mag piyansa sa kasong kinakaharap.



































