Tatlong lalaki naman sa San Andres, Romblon ang arestado nitong tanghali ng Huwebes, April 26, sa Barangay Poblacion, San Andres, Romblon matapos maaktuhan di umano ng mga tauhan ng c na naglalaro ng ‘pusoy’, isang laro sa baraha.
Kinilala ni Police Senior Inspector Leidelyn Ambonan, spokeperson ng Romblon Provincial Police Office, ang mga suspek na sina Julia Famisaran Garga, 44-anyos; Melicio Galigao Gremarin, 49-anyos; at si Jovanny Aquino Tambong, 36-anyos, pawang residente ng San Andres, Romblon.
Ayon sa pulisya, nag-iikot umano ang mga tauhan ng San Andres Municipal Police Station nitong tanghali ng Huwebes ng maaktuhan nila ang tatlo na naglalaro ng baraha kaya agad silang sinita at inaresto.
Nakuha sa mga suspek ang isang deck ng playing cards, at pera na nagkakahalaga ng mahigit P200.
Nakakulong na ang mga suspek at maaring maharap sa kaukulang reklamo.