Binuksan na ngayong araw ang photo exhibit ng Local Government Unit ng Odiongan sa loob ng Municipal Tourism Building.
Tampok sa exhibit ang mga magagandang kuha ng mga litratista na sumali sa photo contest ng Local Government Unit ng Odiongan para sa 171st Founding Anniversary ng bayan ngayong Linggo.
Mula sa mga tourist spots, hanggang sa mga kultura ng Odiongan ay tampok sa nasbaing exhibit.
Samantala, itinanghal namang panalo sa photo contest ang kuha ng estudyanteng si Carl Fesarit sa bubuksang mangrove forest sa Barangay Libertad.
Ayon kay Tourism Office Jude Gabat, may mahigit 50+ na entry ang sumali sa photo contest ngunit 20 lang umano ang pinili nila na papasok sa finalist at ito umano ang mga litrato kung saan makikita ang bayan ng Odiongan.