Binasbasan ngayong araw ang dalawang Isuzu brand na dump truck na binili ng local government unit ng Odiongan para magamit ng munisipyo sa ilang trabaho katulad ng pangungulekta ng basura sa poblacion o di kaya’y sa mga rescue operation.
Ang dalawang dump truck ay may kakayahan na magbaba ng mga laman sa pamamagitan ng pagtaas lamang ng kaniyang likod at ang nasabing feature ay maganda umano lalo na sa pagtapong ng mga basura.
Dinaluhan ang nasbaing blessing ceremony nina Romblon Governor Eduardo Firmalo at Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic kasama ang mga Sangguniang Bayan Member ng Odiongan.