Naaresto sa isang manhunt operation ng pulisya nitong Miyerkules sa Barangay 112 sa Tondo, Manila ang number 04 most wanted person ng Probinsya ng Romblon.
Kinilala ang suspek na si Melvin Moren Malacad, 25-taong gulang, at wanted sa kasong rape noon pang taong 2015 sa bayan ng Santa Fe, Romblon.
Inaresto si Malacad ng mg tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station, Provincial Intelligence Branch ng Police Provincie Office at ng Don Bosco PCP ng Manila Police District, sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 82, Odiongan, Romblon.
Nakakulong ngayon si Malacad sa Don Bosco Police Community Precinct at inaasahang dadalhin sa Romblon para iharap sa korte.