Dagsa na ngayong huling araw ng filing ng mga COC ang mga tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa darating na May 2018.
Sa Commission on Elections (COMELEC) Office sa Odiongan, Romblon, ilang kabataan ang naabutan ng Romblon News Network na nakapila para makapagpasa ng COC.
Ayon kay Election Officer Rey Fabella, hindi ganun karami ang nag-file ngayong election, at hindi rin naabot ang inaasahan niyang target ng number ng mga magfi-file ng candidacy.
May ilang barangay rin umanong wala pang nagfi-file para sa Sangguniang Kabataan, ayon kay Fabella.
Samantala, patuloy naman ang pagbabantay ng mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office sa mga COMELEC Offices sa buong Romblon lalo na sa mga lugar na itinuturing na hotspot ng Philippine National Police at ng Commission on Elections.