Maaga palang ay dagsa na ang mga pasahero sa Poctoy Port sa bayan ng Odiongan, Romblon para bumili ng ticket ng RORO (Roll-on/roll-off) na biyaheng Batangas ngayong araw.
Balik Manila na karamahan ng mga pasahero na nagbakasyon sa Romblon nitong nakalipas na Holy Week.
Sa isang ticketing, halos umabot sa 100 metro ang haba ng pila para makabili ng ticket ng RORO na may biyahe ngayong alas-5 ng hapon.
Ang ilan sa mga pumipila, tumitiis nalang na pumili kahit chance passenger nalang ang mga mabibigyan ng ticket ngayong araw dahil fully booked na ang barko simula pa kahapon.
Ang ilang barko naman katulad ng 2Go Travel, fully booked na ngayong araw at hindi na nakakapag benta ng ticket.