Sabay-sabay na lumagda sa isang peace covenant nitong Huwebes ang mga kandidato sa darating na Barangay at SK Elections 2018 sa bayan ng San Agustin, Romblon.
Pinangunahan ang peace covenant signing ni San Agustin Mayor Denon Madrona kasama ang mga hepe ng San Agustin Municipal Police Station at ng Commission on Elections San Agustin.
Mahigit 200 mga kandidato ang sabay-sabay na nanumpa sa San Agustin Commercial Complex para masigurong ligtas at tahimik ang darating na halalan sa bayan sa Mayo 14.
ADVERTISEMENT